Sugal

Isinulat ni Kezia Jiao

 

Sabi nila ang pagmamahal ay isang sugal.

Bihirang manalo puro talo

Sinubukan ko sa unang beses, talo

Sinubukan ko sa ikalawang beses, talo

Sinubukan ko sa ikatlong beses, talo

Sinubukan ko sa ikaapat na beses, talo

Umiyak.

Napagod.

Tumigil.

Nanahimik.

Minahal…ang sarili.

Sinubukan ko sa ikalimang beses.

Mananalo na kaya ako?

Parang oo?

Parang hindi?

Kung sakaling palarin ako, anong gagawin ko?

Kung sakaling sawi muli?

Wala na atang bago dun.

Sugal, bihirang manalo puro talo

Para kay J

mula sa iyong simpleng ngiti

hanggang sa iyong pagluha

pagbuka ng iyong mga labi

o bawat pagsambit ng salita

kinabisado lahat ng iyong galaw

bawat salita mo’y nasa isipan

sa iyong atensiyon ako ay uhaw

kahit konting oras, ako nama’y pagtuunan

taon akong nangarap, nagdasal naghintay,

paminsan- minsang nagdamdam

ngunit mukhang matagal pang maghihintay

makuha lang ang atensiyon mong inaasam

pagsuko sayo’y di gagawin

maghihintay hanggang iyong madama

damdamin kong di mo napapansin

balang araw iyo ding makikita