Na-heart broken ka na ba?

“Na heart broken ka na ba?”

Eto ang tanong na hindi ko inisip na maririnig ko kanina. Napaka- random ng tanong, napakasimple. Pero pinag- isipan ko pa rin ang sagot. At eto ang naging sagot ko:

Everybody goes through it right? 🙂

Pero pagkatapos ng usapan na yun, napaisip ako. Kelan ba ‘ko huling umiyak dahil sa pagkabigo? At inalala ko lahat ng kaya kong maalala.

Nung elementary ako, palagi akong nabibigo. “Kailangan ang nanay niyo bukas para sa meeting.” Yan ang madalas na linya ng mga guro ko dati. At makakaramdam ako ng bikig sa lalamunan kasi, wala naman sa bahay si nanay. Nandun siya sa malayo. At busy si tatay kaya hayun, pakiusap na lang sa nanay ng kapitbahay namin na pupunta sa meeting na siya na rin ang pumunta para sa amin ng kapatid ko.

Nung graduation sa elementary, malungkot ako. Kasi dumating nga si nanay, ako naman ang aalis. Kailangan sa Manila daw ako mag- high school. At sila, silang tatlo ( nanay, tatay at kapatid ) maiiwan naman. Sa pagkakatanda ko, durog na durog ang puso ko ‘nun, at iyak ako ng iyak.

Sa buhay high school, madami akong naalalang masasakit na alaala. Di ako pinansin ni crush, nag- away kami ng mga kaibigan ko, napagalitan ng teacher, apat na taon akong hindi umuwing probinsya, wala akong baon na pagkain kasi wala naman akong nanay na magluluto para sa akin at minsan iiyak ako kasi nakikita ko yung mga kaklase ko hinahatid pa sila ng nanay o tatay nila, ako, ako lang. Alone. Mga simple at mabibigat na pangyayaring tumatak sa isip ko. Dahil na heart broken ako.

Mas madami na sa college, mabibigat na problema, malungkot na pangyayari at mga di inaasahang paghihirap. At hanggang ngayong nagtatrabaho na. Pero bumalik tayo sa sagot ko. Lahat naman tayo di ba? Lahat tayo pinagdadaanan ang stage na yun. Mula sa simple hanggang sa matitinding bagay, naha- heart broken tayo. Pamilya, pag-ibig, kaibigan o trabaho, lahat yun magdudulot sa atin ng pagkakabigo.

At kung titingnan natin, nandito pa rin tayo. Buhay. Lumalaban. Nakikitawa sa mga biro ng tadhana.

“Na heart broken ka na ba?”

Sino bang hindi?

 

 

 

Advertisements

6 Comments

  1. Alam mo, “pa-general” at paiwas ang sagot mo. Hehe. 🙂

    Kidding aside, ganyan talaga ang buhay. It’s a constant cycle of moving on and letting go. I feel na sobra kang na-apektuhan ng mga events na yan sa buhay mo kasi sila ang una mong naisulat sa simula pa lang ng post.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s