Kaya Pala

huli na ng mapagtanto ko

na ako’y naging bulag

pauli-ulit akong humiling

humangad

na sana’y dumating siya

siya na pangarap ko

siya na iibigin kong lubos

paulit- ulit ko siyang hinanap

hinanap sa pagkatao ng iba

ilang beses akong nag- asam

na sana siya na nga

nag- asam, nasaktan

nasaktan, nag- asam

ngunit hindi ako natuto

sapagakat gusto ko siyang

mahanap

isang araw

ako’y nagising

nakita kita

ikaw na palaging nasa tabi ko

nakangiti, masaya, natutuwa

tinitigan kitang mabuti

nanikip ang aking dibdib

napaiyak sa tuwa

ikaw! ikaw pala!

ikaw pala siya

at siya ay ikaw

nilapitan kita, sinabing,

“ikaw pala siya”

ngiti mo’y naglaho

sa mata mo’y luha namuo

ngumiti ng pilit

ngiting mapait

“bakit ngayon lang?”

tanong mo

sabay hikbi

mga alala’y biglang bumuhos

ikaw, kasama ko sa lungkot

ikaw, kasama ko sa saya

ikaw na palaging nasa tabi ko

ikaw at ako

ako at ikaw

kaya pala

kaya pala

kaya pala palagi kang nandiyan…

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s